Friday 5 July 2013

Ako yung babae na.

Ako yung babae na madaming gustong bilihin, sabihin, kausapin, gawin, puntahan atbp.
Ako yung babae na masayahin, biglang magiging mainisin,at minsan topakin.
Ako yung babae na matakaw tapos biglang hindi kakain tapos kung ano ano hahanapin.
Ako yung babae na maya't maya may hinahanap at maya't maya may nirereklamo.
Ako yung babae na selosa, misteryosa, palatawa, loloka loka at hindi ganun ka pasensyosa.

pero alam mo ba na Ako yung babae na hinahanap hanap ka, natutuwa tuwing kasama ka, naiinis pag kasama mo siya, kausap iba, kakulitan iba ulit. Parang gusto ko angkinin ka kaso bawal naman.
Ako yung babae na mamahalin ka kahit may mahal kang iba.

---
Shitbrix haha. Saan nanggaling to?! Wala naisip ko lang. INSPIRED BYYYYYY! :* AFP.

No comments:

Post a Comment

LOOKBOOK ♥